LIZAH AGUILAR “He sure is happy… just look at him, Lizah.” Naagaw ni Miss Bertha ang aking atens’yon. Napa-ngiti ako nang masilayan si Ryūjin. Nauubos na ang inerhiya ko pero s’ya, ang sigla pa rin n’ya kahit ang daming ganap. Nasa loob na kami ng malawak na dining hall. Kumakain at nagiinuman na ang mga guest habang si Ryujin, ‘a ‘yon, karga-karga si Elizahbette. Naka-tulog na sa balikat ng papa n’ya. Ang kuya n’ya naman, shut down din habang karga ng Lolo Dracul n’ya. Nakikipagkwentuhan naman ang mag-ama sa mga kakilala nilang kapwa bigating tao sa business industry. Ilang oras na rin kasi kami rito. Napagod ako sa kaka-entertain ng mga bisita pero lahat sila, naasikaso ko naman. Nangangalay na nga ang mga binti ko pati na rin ang aking mga pisngi sa kakatayo at kakangiti pero suli

