LIZAH AGUILAR “I am on my way now, Miss. The soldiers just gave me a few minutes to hand over that to my boss.” Kumurap ako ng isang beses at tinanguan ko ang guard. Nagpasalamat ulit s’ya sa ‘kin bago umalis sa harapan ko. Sinulyapan ko ulit ang nakabaluktot na unan sa loob nitong hawak kong paper bag. Sobrang luma na tingnan na halos hindi na nga visible ang baby duck prints. Ilang taon na simula noong huli ko itong nasilayan. Kung matandaan ko pa, gusto ko sanang iuwi ito at itago pero nang binalikan ko, hindi ko na nakita sa basurahan. Ang naisip ko lang sa puntong iyon, baka tinapon na ng mga servant. Bumuga ako ng malalim na hininga at lumakad pabalik sa selda ni Ryūjin. Didiretso sana ako papasok pero bago pa ako maka-lapit sa naka-bukas na prison cell door, huminto ako sa pag

