LIZAH AGUILAR “Anong kailangan mo?” seryosong tanong ko. Imbes na sagutin ako, napansin kong parang sumisilip s’ya rito sa loob para matanaw ang sala kung saan naglalaro ang kambal. “Is that your twins?” “Oo, bakit?” “Can I meet them?” Sinalubungan ko agad s’ya ng mga kilay. “For what?” Natawa s’ya ng hilaw. “I… just want to talk to them,” pormal n’yang pahayag. “Kaya nga, para saan?” Napa-lunok s’ya ng mariin nang inangatan ko na s’ya ng mga kilay. “Kaano-ano ba kita para mag-request ng ganiyan sa ‘kin?” Nakakainit talaga ng ulo ang mga lalakeng ganito. “May Martha ka na tapos makikipagkita ka rin sa ‘kin? Para ano? Makipagclose hanggang sa sasabihin mong gusto mong maging tatay ka ng mga anak ko?” Nakakaburyo talaga makita ang pagmumukha ng lalakeng ‘to. Mukhang tinamaan

