LIZAH AGUILAR “P-Puwede bang… ‘wag mo nang ipaalala ang nangyari kahapon?” Para na nga akong malulubog sa kahihiyan pero tuwang-tuwa naman s’ya para asarin ako! “Shall we go now?” Nilahad pa talaga ni Ryūjin ang kaliwang kamay n’ya pero mabilis kong tinapik ‘yon. “Umalis ka na.” “Stop hissing at me… Bakit ka ba nagagalit ngayon?” Tinapunan ko s’ya ng nanunuklaw na tingin. Nagmamaang-maangan pa s’ya ngayon. Ni wala akong naramdaman na kahihiyan mula sa katawan n’ya at ako itong gustong mag-tago na lang sana para hindi ko na s’ya masilayan. “Magtatanong ka pa talaga sa ‘kin?” mariing tugon ko. “Ayaw kitang makita.” “Bakit?” Umangat ang makakapal n’yang kilay. I chewed my lower lip. Gusto talaga ng lalakeng ‘to na bulgaran eh. “Nahihiya ka ba sa ‘kin?” “Sa wakas, nakuha mo nam

