LIZAH AGUILAR NANLAKI ang mga mata ko sa binanggit sa ‘kin ni Miss Bertha. “Teka-teka, nagkasakit si Zander? Mataas ba ang lagnat n’ya?” “Hindi naman pero may sinat pa s’ya,” sagot ko. “Sigurado ka ba sa sinabi mo sa ‘kin? Paano mo nasabing nawawala?” Sasagutin n’ya sana ako pero biglang nag-ring ang kapit n’yang cellphone. Tinitigan n’ya ang umiilaw na screen. “Wait, my husband is calling.” Tumango ako. Sinagot n’ya ang tawag, iginala ko naman sa bawat sulok ng simbahan ang paningin ko. Present na yata ang lahat ng mga bisita. Kumpleto na rin sa kaliwang side ng church benches ang mga flower girls, bridesmaids, groomsmen, at ring bearers. Ang mga mayayamang mga bisita, mayroong mga nagbubulungan at meron naman na tahimik lang na naka-upo. Pag-tingin ko sa altar, naka-upo na ang p

