"Lion Man, kapag may kailangan pa kayo ay magsabi lang kayo. May gusto ba kayong mapanood na maglaban sa itaas? Pwede nating i-request. Baka mapagbigyan tayo." Tinignan ko si Magda. "Leave." Nagawi tuloy ang tingin nito sa akin. "Ha?" ani nito. "I said... leave." Napasapo po dibdib ang babae. Parang hindi inasahan na gusto ko siyang umalis. Sumenyas si Lion man at kumilos naman para sumunod. Palinga-linga pa ito sa pwesto namin. Hanggang sa tuluyan na siyang makalayo. "Dapat pala siya ang niyaya ko sa ring." Bulong ko kay Lion. "What?" "Si Magda... dapat siya ang niyaya ko sa ring. Gustong-gusto kong gumanti sa kasalanan n'ya sa akin." "Next time." Sagot naman ni Lion sabay akbay sa akin. Hindi ko pa nakita si Beta. Mukhang hindi sa parteng ito nagtungo ang kapatid ko. Paya