11

2007 Words
"Welcome, Signor Lion." Bati ng lalaki. Bumagsak ang tingin nito sa kamay namin ni Lion na magkahawak pa rin. "Hai una bella signora con te." You have a beautiful lady with you. Sabi nito. Saka ako binalingan ng tingin. "Elpido, where is Alessandro?" "He's been waiting for you, Signor Lion. Maaari mo munang ihabilin si signora sa amin. Kami na ang bahala sa kanya." Mas kumapit pa ako sa kamay ni Lion. Diyos ko, ayaw kong sumama sa Elpido na ito. Naramdaman naman ng lalaki ang ginawa kong paghawak sa kamay nito nang mahigpit. "No. She's coming with me." Saka humakbang si Lion, agad namang gumilid si Elpido at pinanood lang kung paano ako magpatianod sa pagkakahawak ni Lion. "Lion!" dinig naming ani ng babaeng bigla na lang sumulpot. Mabilis na humarang ang mga tauhan nasa likod namin. Si Lion na agad huminto ay humigpit muli ang hawak sa kamay ko. Nararamdaman kaya ng lalaki ang pamamawis ng kamay ko? Nararamdaman kaya nito kung gaano ako katakot ngayon? Napatingin ako sa babaeng palapit. Para itong taong grasa na kahit ilang hakbang pa ang distansya ay nangangamoy na. Hindi itinago ni Lion ang pagkadisgusto sa amoy. Tinakpan nito ang ilong, kaya napasunod na lang din ako. "Grabe naman ang person!" reklamo ng babae, sabay amoy sa kili-kili n'ya. "Medya-medya lang naman." "Disgusting." Walang pag-aalinlangan na komento ni Lion. Gumawi ang tingin ng babae sa akin. Mula ulo hanggang paa. "Mahilig ka pala sa bata, Lion. Bad 'yan." Umiling-iling pa ang babae. Sino ba siya? Saka sinong bata? Ako? Mukha ba akong bata sa paningin nito? Porke ba mukha akong maliit sa tabi ng lalaking ito? Hindi nga nito kita ang totoo kong itsura, mukha nga akong mature sa makeup at gamit kong maskara ngayon. "Nasaan si Alessandro?" tanong ni Lion. "Nasa dining room. Kasama ang mga bisita, best friend." Best friend? Tumingin ako kay Lion. Mukhang balewala sa lalaki ang presensya ng babaeng humarang sa amin, kahit gano'n ay hindi pa rin maitatanggi na nangangalingasaw ang amoy nito, doon pa lang ay kuhang-kuha na nito ang atensyon ng lahat. Isama pa na ang buhok nito ay halos masapawan na ng mga plastic na nakatali roon. Marungis din ang mukha, madumi ang damit at may kung ano-anong nakasukbit sa bewang nito. Nang humakbang si Lion, ngumisi ang babae. Wala kaming choice kung 'di humakbang at daanan ang babae na agad namang gumilid nang makitang walang planong lumiko ang lalaki. Bahagya akong napapikit. Parang nanuot hanggang kalamnan ko ang amoy ng best friend ni Lion. Ang isa kong kamay na malaya ay napakapit sa braso ng lalaki. Huling-huli tuloy sa akto ang ginawa kong pagpikit. Dahil kumirot ang sintido ko. "Endure it. Malalagpasan mo rin iyan." Gusto kong matawa. Joker din pala ang lalaki, pero sa pagbigkas nito ay seryoso naman ito. Nalagpasan nga namin. Hindi pa rin ako bumitiw dito. Magkamatayan na, hindi ako lalayo o bibitiw kay Lion. Kailangan makalabas ako ng islang ito na buhay. Hahanapin ko pa si Alatheia. Natanaw ko ang pintuan papasok ng dining room. Naririnig na namin ang mga boses mula sa loob. Nang bumungad kami, agad napunta sa amin ni Lion ang atensyon ng lahat. Hindi pa nga ako nakakakurap, nakita ko na lang ang kamay ni Lion sa harap ko. May nakaipit doon na kutsilyo. Hindi ko man lang nakita na lumipad iyon patungo sa akin. Kung hindi mabilis ang lalaki ay baka nakataran na iyon sa akin ngayon. "Nandito ka na pala, inaanak." Gumawi sa lalaking may hawak na wine glass ang aking tingin. Siya ba ang nagbato ng kutsilyo? Dapat tandaan ko ang mukhang iyon. "Ikaw naman, Alessandro. Grabe naman ang pagbati mo sa mga bagong dating." Pukaw ng isang ginang sa amin. Humakbang si Lion, ang kutsilyo na nasalo n'ya ay ipinatong n'ya sa tray na bitbit nang server na dumaan. "Ninong." Tipid na ani ni Lion. "Hijo, mabuti at nakarating ka." Nagkamay silang dalawa. "Happy birthday." Birthday ng ninong nito na si Alessandro. "Salamat, hijo. Ito ba ang regalo mo sa akin?" bumaling ang tingin ng lalaki sa akin. Panreregalo ako ni Lion? Nagtatanong ang mga tingin na nilingon ko si Lion. Humigpit ang hawak nito sa kamay ko. "No, Alessandro. May dala ako, ngunit mukhang ibinababa pa." "No'ng nalaman ko na darating ka ay nakaisip agad ako ng regalo. Nasa kwarto mo ang regalo ko, tiyak kong pag-iinitin ka no'n mamaya." Sa clue na sinabi nito. Hindi ko na gets kung ano iyon. Inimbitahan kaming kumain. Pero paano ako makakakain nang maayos kung lahat sila ay matalim ang tingin sa akin. Parang malingat lang ako nang kaunti ay makikita ko na lang ang sarili ko na nakahiga na sa sahig, duguan. Napatingin si Lion sa kamay naming magkahawak nang hindi ko pa rin iyon binitiwan. "Mukhang ayaw kong bitiwan ng laruan mo ngayon, hijo?" aliw na puna ni Alessandro. Nakaramdam ako ng hiya, kaya bumitaw na ako. "Natatakot ka ba, hija? Pa-welcome ko lang naman sa 'yo ang kutsilyong iyon. Alam na alam ko ang kakayahan ng lalaking kasama mo. Nakita at nasubaybayan ko ang batang iyan, mula't sapul." Hindi ako sumagot. Hindi ko alam ang isasagot ko. "Hijo, siya ba iyong napanalunan mo sa tournament? Mukhang alagang-alaga mo ang Bago mong laruan?" "No." "What do you mean?" tanong ng lalaki. "Quella ragazza è morta." Napasinghap ang mga taong nakarinig. Sinabi lang naman kasi ng lalaki na patay na ang babaeng iyon. . . buhay pa kaya ako. Balak bang palabasin ni Lion na patay na ang babaeng nakuha nitong premyo sa tournament? Well, advantage ko iyon. Pakiramdam ko kasi, sa dami ng mga lalaking gusto akong makuha no'ng tournament ay hindi pa tapos ang laban. Parang hindi natapos sa tournament na iyon ang laban sa pag-angkin sa akin. Mas tama ngang sabihin nito na patay na ako. Kaya rin siguro pinasuot n'ya ako ng maskara ngayon. Upang hindi ako makilala. Pagkatapos nilang magulat sa ibinunyag ng lalaki ay nakabawi rin naman agad ang mga ito. "Well, hindi na tayo dapat magulat. Siguro naman na enjoy mo ang premyo mong iyon. Kung ako nga'y may lakas pa na katulad mo ay lalaban din ako. Matikman ko lang ang babaeng iyon." Nakangising ani ni Alessandro. "Ako rin." Natatawang ani ng lalaking malaki ang tiyan na kulang na lang ay matakpan ng ginto ang leeg nito. Ang mga daliri ay halos lahat ay may singsing. "Aba'y batang-bata. Sariwang-sariwa." Nakakakilabot ang manyakis na ito. Nanginginig ang kamay ko, kaya ibinaba at ipinatong ko iyon sa hita ko. Hindi talaga ako ligtas sa lugar na ito, may mga tao pala ritong umaasam din na makuha ako. Kung si Lion ay ikinulong ako sa mansion n'ya, baka sa mga ito ay ikulong ako sa kwarto nila at gawaan nang masama. "Ano ba kayo? Ibahin n'yo nga ang topic. Kayong mga lalaki talaga, baguhin n'yo ang usapan ninyo." Puna ng ginang. Saka ito lumapit kay Alessandro. Ang lalaki naman ay agad ipinulupot sa bewang ng ginang ang kamay. Asawa ba n'ya? Ayos lang ang gano'n sa babae? "Hindi mo ba ipakikilala sa amin ang babaeng kasama mo?" "Ninang. . ." tama, asawa nga ito ni Alessandro. Pero bakit okay lang na gano'n ang sinasabi ng asawa nito? Bakit parang normal na lang iyon dito? Kapag sinabi ni Lion na Franceska ang pangalan ko, tiyak ako na mare-realize ng mga ito na ako rin iyong babae sa tournament. Bago pa makapagsalita si Lion ay inunahan ko na ito. "Aurelia. Ako po si Aurelia." Pakilala ko sa ginang. Mukhang hindi nagustuhan ng babae ang pagsasalita ko. Dahil kita ko naman ang pag-angat ng kilay nito. "I'm not asking you. Hindi ka yata na briefing ni Cleope." "She's Aurelia, Ninang Modesta." Naging sweet ang expression ng mukha nito sa inaanak n'ya. "Aurelia. . . bagay." Tumango-tango ang ginang. "Darling, hayaan muna natin silang makakain." Pukaw ni Alessandro sa asawa n'ya. Nagpaalam sila na makikihalubilo muna sa iba. Naiwan kami ni Lion. Hindi naman kami kumain. Wine lang ang pinagtuunan ng pansin ni Lion, habang ako'y wala talagang ginalaw sa mga nakahain. Napunta sa living room ang lahat, kanya-kanya hawak sa mga wine glass nila. Nasa tabi lang ako ni Lion, may hawak ding wine glass. Pero hindi ko iyon iniinom. Hindi pa rin naman kasi nagbago ang tingin ng mga tao sa akin. Matalim pa rin. Natatakot ako na baka may lason ang inumin ko at bigla na lang bumulagta. "Hi!" isang magandang babae ang lumapit sa amin. Napatitig ako sa babaeng lumapit. Ang ganda n'ya. Sino s'ya? "Grabe iyong reaction. Kaninang una mo akong nakita ay diring-diri ka sa itsura ko. Ngayon naman ay parang maglalaway ka na." Kantiyaw nito. Nagsalubong ang kilay ko. Hindi iyon halata dahil sa suot kong maskara, pero baka nasabi n'ya iyon dahil bahagyang umawang ang labi ko. "I-kaw iyong kanina?" takang ani ko rito. Tumango naman siya. Nakaputing gown din ito, parang tulad ng sa akin. Oo nga pala, tulad din no'n gown no'ng asawa ni Alessandro. "I'm Atalanta, Lion's best friend." "A-urelia." Pakilala ko rito. "Beautiful name. Huwag kang aalis sa tabi ni Lion, ha." Para akong pinaaalalahanan. Kaya naman tumango ako. Bahagya itong yumuko at bumulong. "Lahat nang nalalawayan ni Lion ay nais ding malawayan ng mga demonyo sa lugar na ito. Kaya mag-ingat ka. Madamot si Lion, pero kapag nanawa siya tiyak kong sasaluhin ng mga halimaw rito." Tumawa pa ito. Wala sa sariling kinapa ko ang kamay ni Lion. Hindi ako nakatingin sa lalaki na busy pa ring makipag-usap, pero nakuha ko namang hawakan iyon at kumapit ako roon. "What are you doing, Atalanta?" tanong ni Lion dito. "Nothing. Binibilinan ko lang. Best friend, huwag na huwag kang malilingat." Paalala ni Atalanta. Saka ito umalis. Iginala ko ang paningin ko. Nakatingin sa aking ang halos 90% ng mga kalalakihan. Parang mga mababangis na hayop na handa ring manunggab. Bakit ba kasi narito ako? Parang gusto ko na lang bumalik sa palasyo ni Lion. Kaysa rito sa lugar na ito. Napakaganda nga, pero narito naman yata ang mga demonyo na hindi pa pinapasok sa impyerno. Ang narinig ko, ang mas malaking party ay mamayang gabi pa. Kaya naman bandang hapon ay pumanhik kami sa ikalawang palapag, may silid daw si Lion na pwedeng gamitin. Pagpasok namin doon ay may inabutan kaming babae. Walang saplot, I mean isang manipis na underwear lang ang suot. Nakasandal ito sa headboard ng kama at waring naghihintay. Parang nagulat pa ito, hindi dahil pumasok si Lion. Kung 'di dahil may kasama si Lion. "Who are you?" cold na tanong ng lalaki sa babae. "Un regalo, Signor Lion." Magalang na ani ng babae. "Out." Tipid na ani ni Lion. Ako ba? Paano kung may makasalubong ako sa hallway at may gawing masama sa akin. Gusto ko na namang maiyak. "Lion, kung ano man ang balak mo sa babae, hindi ako titingin. Huwag mo lang akong palabasin. T-akot na takot ako." Amin ko rito. Tumingin ito sa akin. Walang sinabi. Pero nang bumaling ulit ang tingin nito sa babaeng sinadyang hawiin ang takip sa malusog nitong dibdib. Nagsalita na si Lion. "Leave, bitch." Napaawang ang labi ng babae. "Leave." Agad na kumilos ang babae at dali-daling dinampot ang robe na suot nito at patakbong lumabas ng silid. Nang sumara ang pinto, saka lang binitiwan ni Lion ang kamay ko. Akmang tatanggalin ko ang maskara ko nang magsalita nito. "Don't you dare." Banta nito. Agad ko namang inihinto ang ginagawa ko, saka tumango. "Alam kong wala akong karapatan na magtanong. Pero tatanungin pa rin kita, Lion. Magtatagal ba tayo rito?" tanong ko rito. "Why?" bahagya lang bumaling ang tingin saka agad ding nag-iwas. "Hindi na kasi normal ang paghinga ko." Kinuha ko ang kamay ko at inilapat ko sa dibdib ko. Parang napapasong binawi iyon ng lalaki. "Takot na takot ako, hindi na ako makahinga nang maayos. Akin na, pakiramdam mo." Muli kong hinawakan ang kamay nito at idinikit ulit sa dibdib ko. This time ay napirmi na iyon doon, lalo't hindi ko naman binitiwan. "Kabang-kaba ako, oh." Nanulis ang ngusong ani ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD