"Tengene nito. Mukha ba akong traydor?" minura pa talaga ako nito. Kahit na pwede naman n'yang sagutin ng oo or hindi ang tanong ko. "Ata, ikaw nga ba?" tanong ko rito. Paano kung sumagot siya ng oo? Ano ang gagawin ko? "Franceska, oo." Umawang ang labi ko sa labis na gulat. "Char!" napasimangot ako. Kahit kailangan talaga itong si Atalanta. Hindi nito kayang sumeryoso sa mga ganitong bagay. "Hindi vocal si Lion. Pero alam kong mahalaga ka sa kanya. Kaya huwag mo sana siyang traydorin." "Gaga! Ano namang tingin mo sa akin? Kahit tadtarin ako ng bala para sa lalaking iyon ay ayos lang. Kahit mamatay ako para sa lalaking iyon ay ayos lang din. Iyong samahan namin ng lalaking iyon ay hindi masisira. Muntik na dahil sa 'yo." Tumawa siya. "Galit na galit at nagbanta pang papatayin daw