Nilinis ni Alatheia ang mga dugo na kumalat sa bewang n'ya. Peke iyon. Nakasuot din ito ng bulletproof vest, sa totoo lang ay hindi ko gusto ang gano'n idea ni Alatheia at Atalanta. Pero wala akong choice kung 'di sumunod. Mas mabuti na raw na isipin ni Denver na wala na si Alatheia. Sa totoo lang iyong drama kanina na pagbaril ko kay Alatheia ay si Atalanta talaga ang nag-pursue na magawa iyon. Ideas n'ya, kaya nga ang weird eh. "Are you okay?" worried na ani ko kay Alatheia. "Of course. Tamang-tama ang spot na binaril mo. I'm fine, sis. Huwag ka nang mag-alala pa." Nawalan ng malay si Denver sa malakas na pagpukpok ko ng baril. Kaya nakuha kong lumapit dito. "Let me see." Hinila ko ang braso n'ya palapit para tignan ang parte kung saan ko siya binaril. Natanggal na rin naman nito