"Palpak ka na naman, Denver." Tumatawang ani ng aking ama. Narito kami sa library n'ya. Ipinatawag n'ya ako, hindi ko natanggihan ang pakiusap ng aking ina. Matanda na ang aking ama, pero matikas pa rin ang pangangatawan. Sa sobrang tikas, parang taon-taon na lang ay may sumusulpot na anak sa labas ang isang ito. Imbes na malungkot ito sa sinapit ng pera ko, nakuha pa nitong tumawa. Paanong hindi tatawa? Barya lang dito ang gano'n halaga. Isa o dalawang transaction lang dito ay kita na nito ang milyones na nailabas ko para lang bumili ng lupang hindi ko man lang na check kong maibabalik ba ng lupang iyon ang milyones ko. "Nagkamali ako sa isang iyon, Dad. Pero hindi ibig sabihin na palpak na ako." "Hijo, ano pa bang gusto mo para bumalik ka na sa organization? Nabalitaan kong tuluyan