Napabuntong hininga ako ng malalim at binitawan ang ballpen na hawak ko. Today is Monday and I’ve already started working on Zoe’s resto as the new manager. Kung tutuusin ay wala namang masyadong mga ginagawa. Madalas ay inventory lang at tinitignan ko kung ano ang mga kulang sa kusina. Ililista para maipabili na agad. Just things like that. I didn’t go under training period because the work is very easy. Puro paper works lang halos. Medyo nalulungkot lang ako ngayon kasi hindi pa rin tumatawag sa akin si Elliot mula noong sabado. Ni hindi nga niya na-seen iyong huling message ko sa kanya na may kasamang picture. Sobrang busy ba niya doon? Hindi ko alam… Siguro. Alam ko naman kasi na kung may oras siya ay tatawag at tatawag siya agad sa akin. Sobra ko na siyang nami-miss. Ilang araw p