Kasama kong kumain ng lunch ang buong pamilya ko, maging ang dalawang kaibigan ni Sandro. Feeling ko ay mas masaya sana kung nandito rin si Elliot, pero okay lang iyon. Alam ko naman na sabay kaming kakain mamayang gabi. Ilang oras pa lang siyang nasa trabaho at wala sa tabi ko pero miss ko na siya agad. Halos hilain ko na nga ang oras para lang makauwi na siya sa bahay… para makauwi na siya sa akin. Right after our lunch, Kuya Aries and Dad had decided to go to SSL for work. Sina Sandro naman at ang mga kaibigan niya ay nagpasya na bumalik sa poolside para doon muling magkuwentuhan. Balak din nilang maligo sa pool at hinayaan na lang namin sila. Alam ko naman kasi na madalas ay naiinip si Sandro rito, kahit pa marami siyang mga bagong gadgets at mga libro ay iba pa rin iyong nakakasama