“Ang sarap maligo sa lawa! Grabe, parang tubig ilog din. Ang lamig!” masayang pagkukuwento ni Zoe. It’s already ten in the evening. At round seven, we ate our dinner. Tapos ay nagkuwentuhan at nagpahinga lang kami saglit at nagpasya nang mag-inuman. Nasa tabi kami ngayon ng lawa at nakapalibot sa ginawa at sinindihan nilang bonfire. Ewan. Kung tutuusin ay puwede naman kaming sa kubo na lang ulit mag-inuman, pero ngayon ay mas pinili nila rito. Pero okay rin naman dito. Maliban kasi sa sa apoy na nanggagaling sa bonfire, liwanag ng buwan at mga bituwin na nagre-reflect sa tubig ng lawa ay wala na ibang nagsisilbing liwanag. It’s also feels magical because there are some fireflies that are flying around. “Puwede pa bang maligo sa lawa kapag ganitong oras na? Hindi ba delikado?” tanong na