Elliot and I had decided to take a rest. Mga bandang alas onse nang makarating kami, hindi na namin magawa pang kumain ng tanghalian at natulog na kami agad. Mga bandang alas tres naman iyon nang magising ako. Wala na si Elliot sa tabi ko kaya nagpasya akong tumayo na rin, maligo ulit at magbihis. Tapos ay lumabas na ako at nakita ko naman sila sa poolside, kung saan over-looking ang lawa. Ang ganda ng swimming pool. Hindi masyadong malaki iyon pero halatang pinag-isipan at ginastusan talaga. “Hey,” nakangiting bati sa akin ni Elliot nang makita niya ako. Nasa kubo siya kasama si Anica. Sa gilid naman ay nag-iihaw si Lester ng mga isda at barbecue. “Hey,” mahinang bati ko. Tumayo siya at agad akong sinalubong ng yakap kaya napangiti ako. Sininghot pa niya ang basa kong buhok kaya mah