“Hindi ba kayo naiinip dito?” tanong ko kina Lester at Anica habang patuloy pa rin kami sa pag-iinuman. “I mean, madalas dalawa lang kayong magkasama rito, hindi ba? Hindi ba nakakasawa iyon?” tanong ko pa. “Hindi naman,” sagot ni Anica at ngumiti pa sa akin. “Madaming puwedeng gawin dito. Atsaka madalas naman ay umaalis kami ni Lester, para tignan ang mga pananim at pasyalan ang mga magsasaka,” dagdag pa niya kaya marahan akong tumango. “Atsaka kapag mahal mo ang kasama mo, hindi mo mararamdaman ang pagka-inip. Kahit nga hindi kami nag-uusap, basta alam ko sa sarili ko na kasama ko ang babaeng mahal ko ay okay na ako. Masaya na ako,” puno naman ng lambing na sagot ni Lester kaya napangiti ako. Kung sabagay, madalas kapag kami ni Elliot ang magkasama sa unit niya. Kahit na hindi kami ma