AT MAYA-MAYA pa ay may lumabas na itim na sasakyan at dali-daling kinuha ni Divlen ang teleskopyo at tiningnan niya kung sino ang sakay nito. "Partner, si vice-mayor!" pahayag niya sa katabi. Agad naman na pinaandar ni Jester ang sasakyan at palihim nilang sinusundan ang vice-mayor. Sa siyudad ang punta nito. "Siguradong sa casino na naman ang punta niya," wika ni Divlen "May naisip akong gawin, partner," turan ni Jester. "Ano ang naiisip mo, partner?" kalmado na tanong niya rito. Hindi sumagot si Jester, bagkus kinuha niya ang backpack na itim mula sa backseat. Binuksan niya ito at hinalungkat, nang makita niya ito ay agad ipinapakita sa partner niya. "Tracker Device?" turan ni Divlen. "Yes, partner. Dumaan kami ni Tom sa mall at nakita ko itong bagong display kaya naisipan k