"Everyone, sa Wednesday niyo gawin 'yan, At dapat sa Wednesday ay mapasa na ang drawing at dapat rin ay mag-perform kayo. Sabihin niyo sa parents ninyo, okay?" pahayag nh teacher nila bago sila dinis-miss. "Hmp! Pasayaw pangit naman ang sasayawin!" wika ni Princess sa mahinang boses. "Ano! May sinasabi ka?!" asik ni Laura, habang nakatingin ito nang masama sa kanya. Hindi ito sinagot ni Princess at inikutan niya lang ito ng mga mata niya. "Kala mo naman maganda ang gawing drawing, hmp!" ganting sabi ni Laura, sabay alis at sumama sa mga kaibigan niya. Susugod na sana si Princess pero hinawakan siya ni Jhapdel at hila papunta sa grade six na classroom para puntahan si Clyde. Para sabay na silang pupunta sa waiting area upang maghintay ng sundo nila. Pag-uwi ni Princess ay agad niyang