TATLONG sasakyan ang sabay na umalis at sa isang sasakyan ay mag-isa lang si Guevarra. Si Divlen naman at ang tatlo pa niyang kasama ay sa sasakyan ni Chief Concepcion sumakay. At ang limang kasamahan niya ay sa pangatlong sasakyan sumakay. Dumating ang grupo nila sa naturang lugar, habang ang dalawang sasakyan ay kasalukuyang nagtatago at hinihintay ang pagtatagpo ng dalawang grupo. At maya-maya pa ay mayroong paparating na dalawang van at naghanda ang grupo ng mga NBI. Bumaba sila at kaniya-kaniya silang kubli para paghandaan ang posibleng magaganap. Hanggang sa huminto na ang dalawang van at unang bumaba si Guevarra. Bumukas ang pinto ng van at lumabas si Polong, at akmang lalapit ito sa kaniya. "Diyan ka lang! Nasaan ang mag-ina ko?" matapang na sabi niya. Tumawa si Polong, "Rela