NATAPOS ang celebration at nauna nang umalis ang pamilya ni Chief Concepcion. Kahit si Tom at Collin ay nauna na ring umalis dahil may dumating na mga investors sa Heavy Equipment & Mining Corporation. Naiwan ang mag-partner kasama si Jhapdel, Clyde, at Princess. Kalahating oras bago natapos ang kuwentuhan. Habang hinihintay ng mag-partner ang take-out para sa mga katulong ay hinatid naman ng tatlong bagets ang mga kaibigan nila sa labas. NANG makaalis ang pamilya nina Laurence ay naiwan ang tatlo sa labas ng restaurant. Habang ang mag-partner ay kasalukuyang hinintay ang order nito na take-out para sa mga katulong nila. Masayang nagkwentuhan ang tatlo, nang may biglang humantong van na itim sa harapan nila. Nagkataon naman na nakaharap si Clyde sa dalawa. "Kuya Clyde—" putol na sambi