MABILIS na bumaba ang anak ni vice-mayor, nang makita nitong huminto ang sasakyan ng mga NBI at isang 6x6 truck at bumaba ang mga sundalo. Tumakbo ito papalayo at dali-daling nagkubli para matawagan ang ama niya. Sakto naman ang pagsagot ni vice-mayor at nagsimula ang putukan. "Jonred, ano ang mga putok na aking narinig?" tanong sa kabilang linya. "Dad! Natunugan ng mga NBI ang ating transaksyon! May mga sundalo rin ang nandito!" Sumbong nito. "What?! Paano nangyari?!" gulat nitong tanong. "Hindi ko alam, dad!" "Goddammit! Umalis ka na—" "Vice-mayor! Vice-mayor!" Hindi natapos ang sasabihin niya sa anak dahil sa sunod-sunod na sigaw ng bodyguard niya. "Bakit? Anong problema?" mga tanong niya rito. "Napasok tayo ng taga-NBI at may kasama silang mga militar!" kinabahan na su