SUBALIT si Yellah ay hinang-hina na at nanunuyo ang labi nito. Kaya sobra na ang pag-aalala niya. "Jhap, kukuha muna ako ng tubig," aniya rito. "Okay, kuya." Kumaripas ng takbo si Clyde, para makakuha ng tubig. Habang naiwan naman si Jhapdel na halos hindi na maihakbang dahi sa gutom at pagod. At maya-maya pa ay tuluyang bumigay ang kanyang mga tuhod at bumagsak ito sa lupa. "C-cous… cousin…" hinang-hinang sambit ni Yellah. At kahit sobrang lambot na ang kamay niya ay pilit pa ring inabot ang mukha ng pinsan upang gisingin sapagkat nawawalan ito ng ulirat. Hindi niya napigilan ang mga luha nito at tuluyan itong umagos habang pilit pa ring ginising ang pinsan nito. Samantalang nakarating si Clyde sa lawa at kahit marumi ang tubig ay umiinom pa rin siya dahil sa sobrang uhaw at g