LUNES balik trabaho ang mag-partner sandali silang pumunta sa headquarters upang kunin ang search warrant para sa bahay ni vice-mayor. "Inspector, detective. Ito ang search warrant. Pag-ingat kayo sa pagsalakay sa bahay ni vice-mayor," bilin ni chief. "Okay, chief. Salamat!" turan nilang dalawa. Sa pagsalakay nila ay kasama ang team at isa na doon sina Gen. Agad ng umalis ang tatlong sasakyan at pareho ang mga ito na may suot na mga bulletproof. Para sa kaligtasan nilang pareho. Dumating sila sa bahay ni vice-mayor, sobrang laki nito na ani mo'y isang palasyo. Hindi agad sila pinapasok at hinarang sila ng dalawang guwardiya. "May dala kaming search warrant sa bahay ni vice-mayor. Puwede ba kaming makapasok?" kalmado niyang tanong sa dalawang guwardiya. "Hindi agad sumagot ang mga