Sage's Point of View Dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat ng narito. Ang pagdating at siya na ring parada ng mga panauhin ng palasyo na lahat ay dugong maharlika. Mga hari, reyna, prinsipe't mga prinsesa o di kaya'y mga Datu, Lakambini, Emperador at Emperatris na galing pa sa mga malalayong kontinente. Basta! Iba-iba kasi ang tawag sa kanila. Depende sa kung saan sila nagmula. Nakagagalak ang pakiramdam. Tila lumulukso ang puso ko. Pangarap ko rin noong bata ako ang maging prinsesa. Parang narananasan ko naman din sa aming isla dahil marami kaming tagasilbi at may guwardiya rin sa aming tarangkahan gaya sa mga palasyo. Sumasakay rin ako sa magarang karwahe at nakakain ng masarap araw-araw. Nakapagsusuot ng magandand kasuotan gaya nila. Hindi nga lang nakararating sa mga pa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books