"Totoo ba, Merrick? Bakit hindi ka makasagot? Oo at hindi lang naman ang pagpipilian mo," ani Sage sa kaniya na bakas sa tono ng boses ang kawalan na ng amor para sa kan'yang ama kahit na kinausap na siya ni Marta at pinayuhan na patawarin na lamang ang kaniyang mga magulang sa anumang idinulot nila sa kaniyang bigat ng kalooban. Ayaw sanang sagutin ni Merrick pagkat ramdam niya ang emosyon na 'yon, ngunit ang dalaga ay walang balak na tigilan si Merrick makuha lang ang sagot mula sa kaniya at maliwanagan. "Napakahaba ng kwento para masagot nang malinaw ang tanong mo. Hindi sapat ang oo at hindi dahil alam kong kasunod niyon ang paano at bakit," ani Merrick na nakuha ni Sage ang kan'yang ipinupunto at sang-ayon siya roon. "Sagutin mo na rin kung ganoon ang paano at bakit matapos iyong