Merrick's Point of View Mag-iisang linggo na mula nang makarating kami sa islang ito na pagmamay-ari pala ni Skull ang buong lugar base sa mga narinig ko. Natuklasan ko sa pakikipaghalubilo ko sa mga tao na ibang Skull ngang tunay ang kilala ng mga tao sa Skull na kilala ko. Inilihim niya sa marami ang tunay niyang pagkatao at naging isang kagalang-galang na ginoo sa mga mata at isip ng mga nakatira rito at sa kaniyang pamilya nang mahabang panahon. Nakabibilib kung tutuusin dahil isa siyang hinahanap na kriminal noong kabataan niya at wala man lang ni isang nagtangkang magsumbong na ang piratang may malaking patong sa ulo ay nasa islang ito lamang matatagpuan. Maaring alam ng kaniyang asawa at kung hindi naman ay nakaaawa dahil pumanaw siyang kasinungalingan ang baon. Sa tahanan nila