I SEE A MONSTER CHAPTER 20 Kagaya nang mga nagdaang gabi ay hindi makatulog si Abegail. Ilang araw pa lang niya hindi nakikita si Arkanius ay miss na miss na niya ito. Umaasa ang dalaga na sana ay gano'n din ito sa kanya. Marahang bumangon ang dalaga, naisip niya ang mga sinabi ng binata bago sila nagkahiwalay. Kaya agad niyang ipinikit ang kanyang mga mata at ibinulong ang pangalan ni Arkanius. Ilang saglit siyang nanatiling nakapikit. Ayaw niyang magmulat at baka wala si Arkanius sa kanyang tabi. Maya- maya pa'y umihip ang hangin. Mga palatandaang nasa loob na ng kwarto si Arkanius. "Arkanius, are you here?" paanas na wika ng dalaga. Ngunit walang sumagot sa kanya. Napakunot- noo ang dalaga dahil naaamoy niya si Arkanius. "Arkanius!" muling wika ni Abegail. Again, walang sumagot n