I SEE A MONSTER CHAPTER 10 Nagkumpol- kumpol ang mga wolves sa kastilyo dahil may usaping magaganap. Excited ang iba, samantalang curious naman ag ilan. Maya- maya pa'y lumabas na si Donnington mula sa loob at tumayo sa harapan ng kanyang mga kasamahan. "Magandang gabi sa ating lahat," bati nito. Tumugon naman ang mga naroon at binati rin nila ang kanilang pinuno. "Malapit na ang pangalawang kabilugan ng buwan. At papalapit na ang ritwal para sa susunod na mamumuno sa ating angkan." Saad ni Donnington. "Subalit wala pa si Arkanius, hindi ba siya ang magmamana sa iyong trono?" tanong ng isang lobo. "Babalik siya bago pa man ang kabilugan ng buwan. Dahil kung hindi, mapipilitan akong puwersahin siyang maiuwi rito." Sagot ni Donnington. "Ngunit mapanganib ang mundo ng mga tao, sino an