I SEE A MONSTER CHAPTER 16 Halos magdamag na hindi nakatulog si Abegail. Hindi na rin umalis si Arkanius sa kanyang tabi at sinamahan siya magdamag. Inaalo siya ng binata dahil sa naging alitan nila ni Yuri kagabi. Nakakatiyak ang dalaga na maya- maya lamang narito na ang kanyang ina. Si Yuri pa lahat ng ipinagbibilin at ipinag- uutos ng kanyang Mommy ay sinusunod nito. Doon siya lalong naiinis sa binata, walang sariling desisyon. "Alam kong hindi ka nakatulog kagabi," untag ni Arkanius sa dalaga. "Hindi naman, okay lang." Sagot ng dalaga. "Don't worry, I will tell your Mom na wala kang kasalanan." Alo ng binata. "I'm not afraid sa anumang gagawin ni Mommy, ang ikinatatakot ko 'yung magkakalayo tayo. Iuuwi ako ng Mommy for sure," wika ng dalaga. "Don't be sad, kahit saan ka man susu