I SEE A MONSTER CHAPTER 47 KINABUKASAN ay naayusan na ang katawan ni Abegail. Hindi na alam ni Arabelle kung ano na ang naganap magdamag. Nakabantay lang siya sa bangkay ng kanyang anak at ni hindi ito umalis kahit sandali lamang. Patuloy pa rin ang pagluha nito na waring walang katapusan. Mugtong- mugto na ang kanyang mga mata dahil sa kakaiyak. Dumating na rin ang tunay na Yaya ni Abegail. Bumalahaw ang iyak nito sa lahat ng sulok ng Mansiyon. Napamahal na si Abegail dito dahil alaga na niya ito magmula pa noong bata pa ang kanyang anak. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Arabelle na wala na ang kanyang anak. "Ma'am nakahanda na po ang lahat," untag ni Yaya Dely kay Arabelle. Napasinghot si Arabelle kasabay ng mabilisan nitong pagpahid sa kanyang luha. Tiningnan niya si