I SEE A MONSTER CHAPTER 49 BANTULOT si Valerie na nagpunta kay haring Donnington. Masama pa rin ang pakiramdam ng dalaga dahil sa mga nangyari. Pakiramdam ng dalaga ay siya ang labis naapektuhan sa mga nangyari. Lalo na ang pagkamatay ng mortal na si Abegail. Parang siya ang nasa katayuan ni Arkanius dahil ramdam na ramdam niya ang sakit na tumimo sa puso ng binata. "Ipinatatawag niyo raw ako, mahal na hari?" wika ng dalaga nang makarating na siya sa trono. "Ikinagagalak kong pinaunlakan mo ang aking patawag, Valerie. Alam kong malinaw mong naaalala na isa ka sa mga nag- lead sa isang pangkat laban sa mga tao." Sagot ni Donnington. "Opo!" tugon ni Valerie. Bumaba si Donnington at nilapitan si Valerie. Naglakad- lakad ito sa tabi ng dalaga. "Valerie, may naging kasintahan ba si Arkan