Her POV Napanganga ako sa sinabi niya. Baliw ba toh. Inuutusan niyang maglinis ang mga boss. Tapos tinawag pa niya akong babe sa harap nila. Tumingin ako sa mga bisita. "Ah mga sir,, haha..mabiro po talaga si sir lenard, wag na po kayong mag-alala. Ako na po ang maglilinis dito", tumingin ako dito para sana pandilatan ito ng mata pero masama itong nakatitig sa mga bisitang boss. "Kung gusto niyo magstart na tayo. Magsimula na kayong maglinis." Masungit na sabi nito. Napakamot ng ulo ang mga executive boss habang nagpipigil naman sa pagtawa si vp raffy. Maya maya kumilos na ang mga ito sa aking panggigilalas. "Kasama kang maglilinis dito raffy" sinamaan din ito ng tingin ang vice president para tumigil ito sa pagbungisngis. Napatingin ito kay lenard. At parang magrereklamo sana pero