Chapter 2

1805 Words
KUMUNOT ang noo ni Marco nang makarinig ng katok sa pinto. Wala siyang inaasahang bisita dahil nagkausap na sila kahapon ni 'Tay Ramon na sa isang linggo siya magsisimula sa trabaho sa hacienda. Hindi rin nito magagawang bumisita sa kanya sa mga susunod na araw dahil magiging abala ito sa trabaho. Si Mang Ramon pala ang isa sa namamahala sa hacienda, isa sa pinagkakatiwalaan ni Mr. Larosa. Samantalang ang asawa naman nitong si 'Nay Rosa ang pinagkakatiwalaan at namamahala sa malaking bahay ng mag-ama. Kasalukuyan siyang naghahanda ng kanyang almusal nang abalahin siya ng kumakatok sa pinto. Maaga pa para magkabisita kaya nagtataka siya kung sino ang taong pupuntahan siya ng ganoong oras. Imposible rin naman na si 'Nay Rosa iyon. Kunot-noong naglakad siya patungo sa pinto para buksan iyon at natigilan siya nang makita kung sino ang kumakatok. What the hell is she doing here nang ganoon kaaga? "Hello! Puwedeng pumasok?" malawak ang ngiting wika nito pero hindi na nito hinintay ang sagot niya dahil dumiretso agad ito papasok. Mariin siyang napapikit nang malanghap ang matamis at mabango nitong amoy. "Naistorbo ka ba namin, hijo?" wika ni 'Tay Ramon na siyang naghatid sa anak ni Mr. Larosa. Lumapit siya rito para magmano. "Kanina pa niya akong kinukulit na ihatid siya rito. Tinamaan yata sa 'yo, hijo," natatawang dagdag ng ginoo na ikinaiwas niya rito ng tingin. "Hindi po ba kayo papasok sa loob? Mag-almusal po muna tayo," anyaya niya kay 'Tay Ramon pero umiling ito sa kanya. "Hindi na, hijo. Inihatid ko lang talaga si Amor. Siya na lang ang alukin mong kumain dahil hindi pa siya nag-aalmusal. Kailangan ko na ring umalis kaya ikaw na ang bahala sa kanya," pagtanggi ng ginoo sa alok niya. "Sige po. Mag-iingat po kayo sa daan," wika niya sa ginoo na bahagyang tinapik ang balikat niya bago pumasok sa loob ng sasakyan. "Alam ni Mr. Larosa na nagpunta rito si Amor kaya huwag kang mag-alala. Walang magiging problema sa kanya basta iingatan at aalagaan mo lang ang anak niya habang kasama mo siya. Hindi siya pabayang ama... malaki lang ang tiwala ni Mr. Larosa kay Amor kaya hinahayaan niya itong gawin ang gusto nito," wika ni 'Tay Ramon habang nakasilip ito sa nakabukas na bintana ng sasakyan. Pinaandar nito ang sasakyan palayo sa lugar habang siya ay nanatili sa puwesto niya, nag-iisip kung paano pakikitunguhan ang dalaga na ngayon ay nasa loob ng bahay na tinutuluyan niya. "Bahala na..." bulong niya. Huminga muna siya nang malalim bago muling pumasok sa loob ng bahay. "May gagawin ka ba ngayong araw? Gusto mo bang samahan kitang maglibot sa hacienda? Kailan ka pala magsisimulang magtrabaho?" sunod-sunod na tanong ng anak ni Mr. Larosa sa kanya nang makita siya nitong pumasok. Hindi niya ito pinansin at dumiretso siya sa kusina para ipagpatuloy ang naudlot niyang pagluluto kanina. "Wow! Marunong kang magluto? Puwedeng manood?" makulit na muling tanong nito habang nakasunod sa kanya. Napailing na lang siya sa kakulitan ng babae at pilit na itinuon ang atensyon sa ginagawa kahit na sobrang naaapektuhan siya ng presensya nito. "Bakit parang ang dali lang sa 'yong magluto? Samantalang ako, kahit na anong gawin kong pagpupumilit na matuto... hindi ko pa rin magawa. Kahit nga simpleng sunny-side up lang na luto ng itlog hindi ko magawa. Madalas nagiging scrambled egg na sunog ang kinalalabasan," maya-maya ay muling wika nito at hindi na niya napigilan ang hindi sulyapan ang dalaga na kasalukuyang nakatingin sa piniprito niyang itlog. Bahagya itong nakasimnagot pero agad na ngumiti nang mapansing nakatingin siya. Mabilis siyang nag-iwas dito ng tingin at ibinalik ang atensyon sa niluluto. "Bakit ang tahimik mo? May bayad ba ang bawat salitang lumalabas diyan sa bibig mo?" muling wika nito na mariin niyang ikinapikit. "Alam mo ba na ang isa sa gusto ko sa lalaki ay 'yong marunong magluto?" dagdag nito at doon na siya hindi nakapagtimpi. "Alam mo rin ba na ayaw ko sa maingay? Ayaw ko rin sa babaeng makulit at hindi marunong magluto," masungit na wika niya at matiim itong tinitigan. Saglit itong natigilan pero kalaunan ay malawak siyang nginitian na ikinahinga niya nang malalim. Fuck! Hindi man lang ito naapektuhan sa mga sinabi niya... "Lalo kang nagiging interesante sa paningin ko kapag nagsusungit ka..." nakangiting wika nito na mabilis niyang ikinaiwas rito ng tingin. "At sa tingin ko... gusto na yata kita," dagdag nito dahilan para mapaso siya sa mainit na kawali. "f**k!" mura niya. "Ayos ka lang?" tanong nito kaya sinamaan niya ito ng tingin. "Ano sa tingin mo?" masungit na wika niya na ikinangiwi nito. "Ganiyan ka ba sa mga lalaking nagugustuhan mo? Alam mo ba na mapapahamak ka dahil diyan sa pagiging straightforward mo? Puwede ka nilang i-take advantage dahil sinasabi mong gusto mo sila," salubong ang kilay na wika niya. "Hindi... kasi ikaw pa lang naman ang lalaking nagustuhan ko," mahinang wika nito na ikinatahimik niya. Nawala rin ang pagsasalubong ng kanyang mga kilay at may kung ano sa loob niyang natuwa sa narinig sa hindi niya malamang dahilan. "Kahit na. Paano kung i-take advantage kita? Kahapon mo lang ako nakita at hindi mo pa ako masyadong kilala kaya hindi maganda ang ginawa mo. At paano mo rin nasabi na gusto mo ako samantalang wala pang isang araw tayong nagkakakilala?" "Bakit? Iti-take advantage mo ba ako? At puwede bang huwag mong kwestyunin ang nararamdaman ko dahil ako naman ang nakakaramdam. Dapat nga matuwa ka pa dahil sa 'yo ako nagkagusto," nakasimangot na wika nito bago siya tinalikuran. Umupo ito sa harap ng hapag-kainan at buhat doon siya pinanood habang nakatukod ang mga braso sa baba. Nakasimangot ito na parang nagtatampo. And she's damn while doing that. Fuck! Lahat na yata nagiging cute sa mga mata niya pagdating sa makulit na babaeng nasa harapan niya. "Eww! What is that smell?" mayamaya ay wika nito at pinigilan niya ang ngumiti nang makita itong tinakpan ang ilong. "Hindi pa ba expired o sira 'yang niluluto mo? Bakit ganiyan ang amoy?" patuloy na pagrereklamo nito at hindi na niya napigilan ang mahinang tumawa sa reaksyon nito. "Hindi ka ba kumakain ng tuyo?" tanong niya sa dalaga bago binaliktad ang tuyo sa frying pan. Iyon ang naaamoy ng dalaga na napakabango sa pang-amoy niya. Lalo tuloy siyang nakaramdam ng gutom. "Tuyo? Dried fish?" wika nito habang nakatakip pa rin sa ilong ang isang kamay. "Huwag mong sabihin na hindi ka pa nakakatikim ng tuyo?" tanong niya sa dalaga habang inilalagay sa platito ang tuyong niluto niya. Dinala niya iyon sa lamesa at sadyang inilapag sa harap nito. Umiling ito bilang sagot sa tanong niya. "Sigurado ka bang nakakain 'yan?" tanong nito habang nakatitig sa kawawang tuyo. "Of course! Isa 'yan sa hindi puwedeng mawala sa hapag. Sabi nga nila, pangmahirap pero masarap. At ikaw lang yata ang kilala kong anak-mayaman na hindi pa nakakatikim niyan," hindi makapaniwalang wika niya bago kinuha ang itlog at fried rice na niluto niya bago inihain sa lamesa. Kumuha na rin siya ng plato at sinimulang pagsilbihan ang dalaga na nanatiling nakaupo habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa tuyo na parang nakikipagtitigan dito. Napapailing na lang siya habang may sinusupil na ngiti sa labi habang nakatingin sa dalaga. "Kain na. Pasensiya na at iyan lang ang nakahain sa hapag ko," wika niya. "A-Ayos lang. Itlog na lang ang iuulam ko," wika nito na ikinailing niya. Nagsandok ito ng fried rice at kumuha ng isang itlog. Ganoon din ang ginawa niya. Kumuha siya ng tuyo at nakasunod ang mga mata nito nang isubo niya iyon. "Masarap?" puno ng kuryusidad na tanong nito. "Bakit hindi mo tikman nang malaman mo kung ano ang lasa?" nakataas ang sulok ng labing wika niya. Sinimangutan siya nito pero kumuha rin naman ng isang pirasong tuyo at parang nagdadalawang-isip pang kinagatan iyon. Marahan itong ngumuya na tila ninanamnam ang lasa ng tuyo. "Masarap?" balik-tanong niya rito at mahinang tumawa nang marahan itong tumango. Hindi masyadong maalat ang tuyong nabili niya at may kakaiba pero masarap na lasa iyon dahil ibinabad daw muna ang isda sa kalamansi at iba pang pampalasa ayon sa tindero na nabilhan niya sa palengke. Mabilis nitong naubos ang isa at kumuha pa ulit ito na mahina niyang ikinatawa. Naging sunod-sunod rin ang pagsubo nito ng kanin na parang ginanahan ito sa pagkain nang matikman ang tuyo. Napailing na lang siya bago itinuon ang atensyon sa sariling plato at ipinagpatuloy ang kanyang pagkain. Nang matapos silang kumain ay siya na rin ang naghugas ng mga plato. Hinayaan na lang ni Marco ang dalaga na kasalukuyang nasa sala at may kung anong ginagawa sa cellphone nito. Maya't-maya niyang naririnig ang hagikhik nito na ikinakunot ng kanyang noo. Pasimple niya itong tiningnan at napailing na lang siya nang mahuling kinukuhanan pala siya nito ng litrato. Napailing na lang siya at tinapos ang ginagawa bago lumapit sa dalaga na abala sa cellphone nito. Malawak ang ngiti nito at parang teenager na kinikilig sa picture ng crush. "Guwapo ba?" tanong niya. "Oo, sobra..." agad na sagot nito na lihim niyang ikinangiti. Mabilis itong nag-angat ng tingin sa kanya nang mapagtantong siya pala ang kausap. Namilog ang mga mata nito pansin niya ang bahagyang pamumula ng mukha. "Hindi magandang tingnan sa isang babae na may litrato ng lalaki lalo na kung hindi naman nito iyon nobyo," wika niya bago kinuha rito ang cellphone at binura ang ilang litrato niya roon. Sumimangot ito sa ginawa niya. "Damot..." nakangusong reklamo nito at padabog na kinuha sa kanya ang cellphone. "Kung hindi lang talaga kita gusto... 'who you' ka talaga sa 'kin," dagdag pa nito na hindi na lang niya pinansin. "Hindi ka pa ba uuwi?" tanong niya na mabilis nitong ikinatingin sa kanya habang may kunot na noo. "Pinapaalis mo na ba ako?" hindi makapaniwalang tanong nito. "Hindi ba halata?" masungit na wika niya. "Kung ganoon hindi ako aalis," pagmamatigas nito na ikinahinga niya nang malalim. "Fine! Kung ayaw mong umalis, puwes ako ang aalis." "Sasama ako," mabilis na wika nito at mabilis na tumayo. "Saan tayo pupunta?" excited pang dagdag nito. "You're impossible..." tanging nasambit niya at tanda ng kanyang pagsuko sa kakulitang taglay ng dalaga. Inosente lang siya nitong nginitian at wala na siyang nagawa ng itulak siya nito palabas ng bahay. At natagpuan na lang niya ang sariling hila-hila nito kahit saan ito magpunta. Walang nagawa si Marco kundi ang magpaubaya sa kakulitan ng dalaga at ang huli nilang pinuntahan ay ang ilog na paborito nitong puntahan. Doon sila nagtagal dahil naligo pa ito habang siya ay nakaupo lang sa bato at binabantayan ito. Hindi na siya nag-abala pang takasan ang dalaga dahil sigurado siyang pupuntahan at kukulitin pa rin naman siya nito. Idagdag pa na hindi niya maitatanggi ang katotohanang nalilibang siya sa presensya at kakulitan ng dalaga kaya hinayaan na lang niya ito sa kung anong gustong gawin nito habang kasama siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD