PAUNAWA: "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po." My Plus Size Lover AiTenshi June 16, 2020 Part 45 "Anong iniisip mo?" tanong ni Luke noong lumabas ito sa banyo, basa pa ang buhok at nag pupunas ng katawan. ”Halos ilang linggo na mag buhat noong nag kita kami ni Amir. Hindi pa rin niya ako tinitigilan, kahit dito sa number ko ay tawag siya ng tawag para sirain lang ang loob ko. At pinaparatangan pa niya akong inagaw raw kita sa kanya." ang wika habang binabaklas ang simcard sa aking cellphone. Tumabi siya sa a