My Plus Size Lover AiTenshi May 23, 2020 Part 7 "Tingnan niyo mga baklush, trending nanaman ang alaga ko. Sabi ko naman sa inyo yang issue ni Cassy? Hindi tatagal iyan, ginawa lang niya yan para pag usapan siya, idinamay pa niya yung poser na lalaking iyon. In the end? Si Amir pa rin ang number topic sa social media." ang masayang wika ni Jon. "Yeah, number one topic si Amir sa social media. Hashtag suicidal, Hashtag best actor, hashtag desperadong singer. Halos karamihan ay negative. Ang saklap!" ang sagot ni Diego. "Good or Bad publicity is still a publicity. Mas pinag uusapan ay mas nakikilala. Im sure sold out ang next album ni Amir at concert nanaman ang kababagsakan nito." ang excited na wika ng dakilang manager. Maya maya ay nalingon ito sa akin. "Hoy Ogre bakit ba nandyan