My Plus Size Lover AiTenshi Jun 7, 2020 Part 34 "Congrats sa isang magandang show. Ang husay niyo kanina." ang bati ko kina Evan at Lippi noong mag kakasama kami sa dressing room at nag bibihis. "Walang kabagay bagay. Magaling ka rin sana kung wala yung kinanta mo noong dulo. Anong nag udyok sa iyo upang awitin iyon? Alam mo ba na ang kantang iyon ay nag dulot ng trauma sa pag katao namin? How dare you para kantahin iyon sa amin?! Gigil na gigil na naman ako ngayon. A R R G G H H H!" tugon ni Evan "Teka, yung wildflower na kanta ay isang suggestion lang mula sa email. Ano bang mayroon doon?" pag tataka ko. "Isang masamag ala-ala noong college, long long time ago. Alam mo ba na may sumpa sa kantang iyon? Lahat ng kakanta ng awiting iyon ay bubugbugin namin. Kaya humanda kana ngayo