PAUNAWA: "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po." My Plus Size Lover AiTenshi May 30, 2020 Part 17 Halos naalala ko pa noong unang beses na mag tungo ako dito sa clinic para makipag usap kay Doc Olbe, isang delikadong operasyon at isang komplikadong proseso ang aking pinag daanan. Parang kahapon lang naganap ang lahat, ang mga salita ni Luke noong gabing iyon ay naririnig ko pa rin hanggang ngayon. May mga oras rin na napapanaginipan ko ito sa gabi at nagigising nalang ako na masamang masama ang aking loob. Ti