PAUNAWA: "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po." My Plus Size Lover AiTenshi May 27, 2020 Part 13 "Mag tungo ka sa clinic ko bukas ng umaga doon sa kabilang siyudad. Pag usapan natin ang tulong na kailangan mo." ang wika ng doktor bago ito sumakay sa service ng mga pulis. "Sir, sigurado kaba na ayaw mong sumakay? O mag report o mag sampa ng kaso sa salarin?" tanong ni Gardo. "Hindi na, ayos lang ako." ang sagot ko naman. Noong mga sandaling iyon ay nag pasya akong mag lakad pa at umupa nalang ng silid sa isan