PAUNAWA: "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po." My Plus Size Lover AiTenshi May 25, 2020 Part 11 Alas 7 ng gabi, nag ayos ako ng aking sarili. Unang pag kakataon na tumagal ako sa harap ng salamin habang pinag mamasdan ang damit na ibinigay ni Luke sa akin. Hindi na ito ganoon kasikip, hindi ko na rin kailangang ipitin ang aking tiyan kapag nakatayo. Ipinatong ko ang coat na ibinigay ni Migs para matakpan ang mga bibil na naka usli sa aking katawan. Gayon pa man ay masaya akong pumara ng taxi at nag pahatid