My Plus Size Lover AiTenshi June 17, 2020 Part 47 "Bakit pinayagan niyong lumabas iyan? Alisin niyo iyan!" ang galit na sigaw ni Luke mabilis itong sumugod sa operator ng lights at projector. "Hindi namin alam boss, parang may nakialam ng files at pinalitan ang usb." ang wika ng operator habang inaayos ang mga kable. "Alisin niyo na ngayon! Bilisan niyo!" ang nag papanic na wika ni Luke. Tumingin ako sa projector na noon ay naka close up paring kumakanta si Hans. May puso ang kanyang pag awit at damang dama niya ang kanta. "Huwag! Huwag niyong alisin." ang wika ko na naka mic dahilan para mag tingnan sila sa akin. "Paki usap, huwag niyo siyang alisin. Dahil gusto ko siyang makasama ngayong gabi." ang dagdag ko pa. Bulungan ang mga tao sa paligid.. "Ang mataba po na iyan ay ako
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books