I Want You Back.
***
Tasha Fuentes.
"Welcome back here, Tasha! How's Spain?" Masayang pagbati sa akin ni Señora Cristy. Yes, mother ni Olivia.
Nang malaman niyang nakabalik na ako sa Pilipinas, she immediately invited me for a dinner na hindi ko naman tinanggihan. Ba't pa ba ako tatanggi? Eh ito na ang paraan ko para mapalapit pa lalo kay Olivia.
I know she's been working here in the Hacienda after I left. Noong kasing bumabagsak na ang Hacienda nila, napilitan siyang mag-take over nito after her horrible accident.
Paano ko nalaman? I payed for a Private Investigator.
Na-realize ko kasi ang sinabi ni Georgina kahapon. Tama naman s'ya eh. Hindi kami bumalik dito para lang maging talunan.
Inapakan na kami noon, at ngayong na-reach na namin ang aming mga pangarap, hinding-hindi na kami papayag na apak-apakan lang nila kami ulit ng ibang tao.
Ngumiti ako nang matamis kay Señora Cristy. Yumakap din ako sa kaniya pabalik. "Gracias, Señora. Okay naman po ang Spain, ayun, Spain pa rin." Pagbibiro ko.
Mahinang hinampas naman ako sa braso ni Señora. "Ikaw talaga, hindi ka pa rin nagbabago. Palabiro ka pa rin. O'sya, halika na sa loob at baka lumamig na ang pagkain na ipinahanda ko sa 'yo."
Pumasok na nga kami sa familiar na Mansion ng mga Olivarez. All in all ay wala pa rin naman ipinagbago ang Mansion. Gano'n pa rin naman s'ya noong iwan ko ito 2 years ago. Though, ang nagbago lang ay ang mga tauhan dito.
Halos wala na kasi ang mga nakagisnan kong mga tauhan ng Hacienda noon dito. Out of curiosity, I asked Señora Cristy about that.
"Ahm, Señora, huwag n'yo po sanang masamahin, ha? Pero nasaan na po ang mga ibang tauhan ng Hacienda noon? Mukhang bago na lahat ng mga nagtatrabaho rito, ano po?" I let out an awkward laugh habang papasok kami sa malaking espasyo papunta sa dining area nila.
"Oh, iyon ba? Noon kasing mag-take over ang anak ko, kinailangan niyang bawasan ang mga tauhan ng Hacienda dahil nagkukulang na nga kami sa budget noon. Kaya ayon, matapos naming nakabawi, hindi na namin nahagilap ang ibang mga trabahante dito para sa i-rehired sila. Ang iba kasi sa kanila ay nakapag-abroad na. Medyo nakakalungkot din na wala na sila," bakas ang kalungkutan ng Señora habang sinasabi iyon. Pero nang tumingin ulit ito sa akin, napangiti ito nang matamis.
"Kaya mabuti na lang at nahagilap ka pa namin, it's nice having you back in here, Tasha. The Hacienda has never been the same since you left," Napapalatak itong sinide-hug ako. "Mabuti na lang talaga at si-nud-ggest ko kaagad sa anak ko na ibalik ka rito noong nalaman ko na nakabalik ka na ng Pilipinas,"
Biglang kumabog ang puso ko sa narinig. Napaawang pa ang bibig kong napatingin kay Señora. "A-ano pong sabi ni Señorita Olivia? Pumayag po agad?"
Well, wala sana ako rito ngayon kung hindi s'ya pumayag, hindi ba? So, what does this means then? Gosh, a slight of hope ignites my heart.
Señora Cristy grinned at me. Iginaya n'ya ako sa may living room, kung saan may narinig kaagad akong nag-pa-play ng piano.
Paghinto namin sa may amba ng pinto sa living room, itinuro ni Señora ang bulto ng anak nito na nakaupo sa may harapan ng grand piano. S'ya pala ang nag-pa-play nito. Ang ganda-ganda naman ng tunog na nililikha n'ya. Parang siya lang.
Laglag ang aking panga nang magsimula itong magkanta. Sh*t my heart is melting!
Nakapikit ito at damang-dama n'ya ang kaniyang kinakanta. Damang-dama ko rin ang feeling n'ya sa bawat paglapat ng kaniyang mga daliri sa bawat pwesa ng piano.
"2 weeks ago nang mangailangan s'ya ng makakatuwang n'ya rito sa Hacienda dahil nag-resign iyong dating katuwang n'ya dahil nakatanggap ito ng magandang offer sa kaniya sa ibang bansa. At nang makita nga kita kahapon sa isang bar, pag-uwi ko binanggit ko kaagad ito sa kaniya at si-nud-ggest ko nga na baka puwedeng ikaw na lang ang maging katuwang n'ya sa pamamalakad ng Hacienda. Eh, pumayag. Since may experience ka na rin naman dito sa Hacienda noon, at naging Senior Marketing Manager ka pa sa isang malaking kumpanya sa Spain, actually you're over qualified for the position and I don't think we can afford you. That's why I invited you here for dinner because we need to talk about a lot of things before anything else."
Magsasalita na sana ako nang tumigil ang tunog ng piano at sabay pa kaming napatingin ni Olivia sa isa't isa.
My gosh, my heart is going crazy right now. Parang feeling ko nga ay magkakaroon ako ng heart attack sa sobrang lakas ng kabog nito.
Ngumiti ito at tumayo sa upuan n'ya then she made her way towards us. Hindi ko na napapansin na napapanganga na pala ako habang nakapako na lang ang mga mata ko sa magandang mukha n'ya.
Humalik ito sa pisngi ng kaniyang Ina, and then after that, she offered her hand at me.
"Hi, welcome back, Miss Fuentes." Pagbati n'ya.
Wala sa sariling tinanggap ko ang malambot niyang kamay habang ang tingin ay nakapako pa rin sa mga mata n'ya.
"H-hi," utal-utal pa na pagbati ko pabalik. Gosh, Tasha get yourself together!
Naramdaman kong hinila n'ya ang kaniyang kamay pero nakihila rin ako. I don't want to lose the warmth of her hand. I missed it. No. Not yet, please..
Pero nang tumikhim na si Señora Cristy, parang akong nahimasmasan. Kaagad kong binitawan ang kamay niya.
"Let's go? Baka lumamig na ang pagkain. I prepared a feast for the two of you." Señora Cristy winked at me then she side hug her daughter and me as she leads us the way to the dining area.
Pagdating nga namin doon ay napakaraming pagkain na ang nakahain sa may lamesa na kakasya ang lima o walong katao. At ang mga pagkain, gosh! May fiesta ba? Ba't ang dami naman? Kami lang tatlo ang kakain ngayon dito?
"Ahm, Señora Cristy, tayo lang po ba ang kakain ngayon?" Tanong ko sabay lunok.
"Yes,"
Pinaupo na kami ni Señora Cristy sa magkabilang upuan, magkaharapan kami ni Olivia habang si Señora naman ay nasa kabisera.
"Actually, 'Ma. I invited my fiancé tonight. She just came home from France last night, we didn't have the chance to see each other dahil may inasikaso itong importante sa kanilang kumpanya kaya ngayon ko s'ya i-ni-invite. And besides, she needs to know whatever decision we will make here tonight. S'ya rin naman ang naging natuwang ko noon dito."
I chewed the inside of my cheeks when I felt the heavy stare of Olivia's.
Señora Cristy laugh awkwardly. "Of course, anak. We'll wait for her."
At ilang sandali lang ay may pumasok na isang babae na parang anghel na bumaba sa langit. And I can't help but to check myself mentally.
Gosh, heto na naman ang pesteng insecurities ko.
Palak naman kasi na mas maganda si Reeyan Grey kumpara sa akin. She's so elegant at her fitted bodycon dress. Hapit na hapit ang magandang hubog ng katawan nito.
Gosh, mas lalo akong na-insecure nang makita ang magandang kumikinang na singsing sa palasingsingan nito.
"Hi! Sorry po if I'm late," nag-kiss ito sa pisngi ni Señora Cristy na inalayan lang s'ya ng isang tipid na ngiti.
Sunod naman niyang nilapitan ay si Olivia na todo ang ngiti nang makita ang fiancé nito. She even stood up to kiss her fiancé on her cheeks.
Napaiwas naman ako ng tingin. Gosh, hindi ko mapigilang masaktan. Ang sakit naman nito. Kailangan talaga sa harapan ko?
"Sorry, love! I'm stuck in some traffic earlier."
"It's okay, ang mahalaga ay nandito ka na."
Kita ko namang tumingin sa akin si Reeyan at saka ngumiti. "Hi, Tasha! Welcome back! Kailan ka pa dumating dito sa Pinas?" Nakangiting tanong n'ya.
Pinag-usog naman s'ya ng upuan ni Olivia na pinasalamatan nung isa.
Ngumiti lang ako ng pilit. "Hello, ahm nakarating ako last 2 days lang."
Reeyan's mouth forms an 'O' shape. "Oh nice. Saan ka pala galing?"
"Sa Spain. 2 years ako doon."
"Oh," she said then glance at Olivia. "Hindi ba, love galing ka rin sa Spain, 1 year ago?"
I snapped my eyes at Olivia. Sh*t..
Sumulyap ito sa akin saka tumikhim. "Yes, pero sandali lang naman 'yon. May inasikaso lang ako para sa Hacienda noon."
Tumango-tango naman si Reeyan.
Tumikhim ako nang mag-announce si Señora Cristy na kumain na kami. Hindi nakaligtas sa akin ang way ng pagngiti n'ya sa akin at alagang-alaga ako sa kaniya. Parang ngang ako ang anak nito at hindi si Olivia eh. At hindi rin nakaligtas sa akin ang inggit sa mga mata ni Reeyan Grey.
Hmm, I smell something fishy here. Kanina ko pa 'yon napapansin, actually.
"Love, heto oh, thai noodles, specialty ni Mommy 'yan. Hindi ba paborito mo 'yan?" Sweet na tanong ni Olivia sa kasintahan. Nilagyan n'ya pa ito ng pancit ang plato ni Reeyan.
Gosh, parang wala na akong malasahan sa kinakain ko. Though, alam ko namang masasarap lahat ng luto ni Señora Cristy. Actually, favorite ko rin ang specialty ni Señora Cristy. Kapag nga nandito s'ya noon, hindi n'ya ako nakalalimutan na i-invite dahil paniguradong nagluto ito ng thai noodles na paborito ko. She even teached me how to cook it.
"Yes, Love. Ahm, Tita, puwede po bang turuan n'yo ako kung paano iluto ang specialty niyo pong ito? Maghahanda na rin po ako para kapag naging mag-asawa na kami ni Olivia ay hindi n'ya na ako ibabalik sa inyo."
Umismid si Olivia. "As if, love! Hinding-hindi kita ibabalik, 'no?" Umikot ang mga mata ni Olivia habang si Reeyan ay natatawa lang.
Okay, feeling ko invisible na lang ako rito ngayon. Parang gusto ko nang umalis.
Napatahimik ang dalawa nang tumikhim si Señora Cristy. "Don't ask me. Ask her," Turo sa akin ni Señora Cristy dahilan para mapatingin silang lahat sa akin. "She cooks it better than I do. Noon kasi ay tinuruan ko na itong iluto iyon and she cooks way better than me. So, if you really want to be a better wife to my daughter someday, magpaturo ka na lang kay Tasha."
Napatahimik ang buong dining table. Wala ring gumagalaw sa aming lahat, especially sa aming dalawa ni Reeyan.
Gosh, hindi ako makatingin sa kanila. Feeling ko ay wala akong mukhang maihaharap sa kanila ngayon. Nakakahiya. Bakit kasi sinambit pa ni Señora Cristy iyon? Gosh..
Binasag ng awkward na tawa ni Reeyan ang katahimikan sa hapagkainan.
"Of course po! Well, I hope Tasha can accomodate me with some cooking tutorials, right, Tasha? I mean, I'm sure you're super busy with your work,"
"About that," pumagitna muli si Señora.
Pansin ko naman si Olivia na nananahimik na lang sa upuan n'ya. Parang gusto ko siyang i-console. Mukha kasing may hinanakit ito eh.
"I-suggest to Olivia na si Tasha na lang ulit ang magiging katuwang ni Olivia sa pagpapatakbo ng Hacienda. Since, may background na rin naman s'ya at dati na rin naman niyang hinawakan ang Hacienda, at nalaman ko rin na naging isang Senior Marketing Manager ito sa isang sikat na kumpanya sa Spain, kaya talagang matutulungan n'ya kami sa pagpapalago at pagpapalakad dito sa Hacienda. I'm sure Tasha won't mind, 'di ba, Hija?" Ngumiti nang matamis si Señora sa akin.
Nagpunas naman ako ng bibig gamit ang table napkin saka umiling.
"I won't mind at all, Señora. Malaki po ang utang na loob ko sa inyo at naging tahanan na po sa akin at kay Papa ang Haciendang ito."
"Well, I don't think we can afford you. Ang sabi nga ni Mama, naging isang Senior Marketing Manager ka sa Spain. So, I just have a little concern here because if you're such a big shot in Spain, why settle here in our Hacienda? Eh palak naman na mas malaki ang sweldo mo sa Spain compared sa magiging sweldo mo rito, 'di ba?"
"Olivia.." Señora Cristy warned her daughter.
"What? I'm just saying, 'Ma." Kibit balikat na sagot ni Olivia. At ramdam na ramdam ko ang panunuya sa boses n'ya kahit hindi ko pa s'ya tingnan.
Napatahimik naman si Reeyan habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa mag-Ina.
Binaba ko ang table napkin sa table at saka nag-angat ng tingin para salubungin ang mga mata ni Olivia.
"Hindi sweldo ang habol ko. Like I've said, malaki ang utang na loob ko sa parents mo, lalong-lalo na kay Señora Cristy. At naging tahanan ko na itong Hacienda for like all of my life. Dito na ako nagkaisip at lumaki kasama ang aking namayapang Ama. My father invested his life and effort here in Hacienda and here's me doing the same thing. At saka hindi ba ako ang pinakiusapang bumalik?"
"We didn't ask you to come back. We don't need you here." Maanghang na sagot pabalik ni Olivia.
Now, I'm getting offended. Below the belt na kasi ang mga binibitawan niyang mga salita sa akin.
"Oh," I exclaimed. "Edi sana wala ako ngayon dito kung hindi pala ako kailangan?"
Umismid si Olivia. "Don't flatter yourself, Miss Fuentes." Tumingin ito sa Mama n'ya at sa Fiancé n'ya. "Well, I think this meeting is over. I don't think this would work. I think we can do a lot better than this," may panunuya sa boses nito.
Okay, that's it, I'm done.
Bigla akong tumayo sa kinauupuan ko. I was heaving while eyeing them one by one until my eyes settled on Señora's.
"Well, I don't think that Miss Olivarez knows what I can do here in Hacienda for it to work like it used to. I'm sorry to bother then, Señora. Ayaw ko naman pong isiksik ang sarili ko sa isang lugar na hindi naman po pala ako kailangan. Maraming salamat na lang po sa masarap na pagkain at sa invitation ninyo po, pero aalis na po ako. Excuse me,"
Mabilis akong umibis ng lakad palabas ng Mansion at mabilis ko rin pinahid ang mga luhang kumawala sa aking mga mata at saka dali-daling kinuha ang susi ng sasakyan ko sa aking handbag at inunlock ang nakaparadang sasakyan ko sa harapan ng Mansion.
Nakapasok na ako sa kotse ko nang marinig ko ang boses ni Olivia.
Mabilis ko naman pinaandar ang sasakyan ko.
"Wait! Tasha, wait!"
Magkasalubong ang kilay kong inapakan ang gas pedal. Pero mas mabilis na humarang sa daraanan ko si Olivia. I look for another escape and drove my car. Pero mabilis talaga siyang humaharang.
"F*ck! Can you stop for a second and let's talk?!"
Umiling ako. I don't want to talk anymore. Panigurado ay lalaitin at aapak-apakan lang nito ang pagkatao ko. No thanks!
"Just come back! Okay?!"
Napatigil ako. "You want me back?" Ganting sigaw ko. Nakabukas naman ang window sa driver's seat kaya nagkakarinigan naman kami.
"Yes!" Frustrated na sabi n'ya. Namumula na ito ngayon sa inis. Una dahil sa init sa labas, pangalawa dahil pinagtitinginan na kami ng mga tauhan ng Hacienda.
I stopped my car and exited. Ngumiti ako nang matamis sa kaniya habang prenteng nakahawak ako sa hood ng kotse ko.
"Sabihin mo muna, "Kailangan kita, Tasha."
Nagkasalubong ang mga kilay n'ya lalo. "No f*cking way."
Nagkibit balikat ako. "Okay, madali naman akong kausap," sabi ko sabay pasok muli sa kotse ko at akmang papaganahin ulit ito nang sumigaw na nang malakas si Olivia.
"Okay fine! F*ck! Kailangan kita, Tasha! Okay na ba 'yon, ha? Okay na ba 'yon?!" Halos pumutok na lahat ng ugat nito sa ulo sa sobrang frustrated.
Palihim naman akong natatawa at saka lumabas ulit ng kotse at tuluyan na itong ni-lock ulit.
"Okay!" I exclaimed. "And I want you back also, Mi Novia Hermosa."
"What did you just freaking say?" Laglag ang panga n'ya.
I smiled at her widely and then make my way towards her. "I said, I also want you back and I'll do anything just to have you back in my life again."
******