Choose Me, Love Me. *** Tasha Fuentes. "Miss Tasha, pinapatawag po kayo ni Miss Olivia sa office," Rinig kong anunsyo ni Tanya sa labas. Nandito kasi ako sa dating bahay namin dito sa Hacienda at mas dito ko na lang pinipili na mag-office. Matapos ng katangahan na ginawa ko noong isang araw ay iniwasan ko na si Olivia. Nakakahiya lalo't may fiancé na nga s'ya. Tumayo ako mula sa aking upuan dito sa may kitchen at iniwan muna ang aking ginagawa sa aking laptop saka pinagbuksan ng pinto si Tanya. I offered her a sweet smile when I looked at her. She did the same. "Tanya, ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na tawagin mo na lang akong Ate Tasha?" sambit ko. Napakamot naman ito sa kaniyang ulo. "Eh, nakakahiya po," Napapalatak ako. "Sanayin mo na ang sarili mo.