Losing The Battle? *** Winonna Villaraza. Being in Cagayan de Oro made me feel alive. Lalo na nang mai-try ko pa ang iba't ibang klaseng adventure na nakakapag-pump ng adrenaline ko like zipline, skydive, 4x4 ride, horseback riding, and a lot more. Ilang araw na akong nagbabakasyon dito. Walang nakakaalam kung nasaan ako ngayon, ultimong mga friends ko. Si Mama lang. Alam ko naman kasi na she can keep a secret, kahit pa kay Sabrina. Well, hindi naman na ako umaasa na magtatanong iyon kung saan man akong lupalop ng mundo naroroon ngayon.. Matapos kasi nang nakakalokang nangyari sa amin, umiwas na ako nang tuluyan kay Sabrina dahil sa phonecall na natanggap ko a few hours before that crazy one-night stand with my ex-girlfriend. Ang nangyari sa amin ay wala naman sa hinaga