Chasing You. *** Winonna Villaraza. "'Ma, aalis na po ako. Si Wendy?" Tanong ko habang inaayos ang sleeve ng white blouse na suot ko. I was also wearing a black pencil skirt na humahapit ang hour glass shape ng balakang ko. Thanks to my daily work-out when I was in Germany though. Lumabas si Mama mula sa kitchen na may hawak pang sandok. "Umalis na 'nak. Nakisabay sa kapitbahay nating kaklase niyang may kotse." Nagkasalubong ang kilay kong lumapit kay Mama. Hindi ko nagustuhan ang narinig ko. Nag-kiss ako sa cheeks ni Mama saka ko siya tiningnan sa mata. "Ha? Sino raw po iyong blockmate niyang 'yon? Lalaki po ba o babae?" "Mahalaga pa ba 'yon?" Nang-iinis na tanong ni Mama na inikutan ko lang ng mata. "Mama! Bata pa 'yon. At saka mahalaga 'yon lalo na kung lalaki