I Want You Back.
***
Sarah Lacarte.
Parang akong nabuhayan ng loob sa nalaman ko kay Amina last week. God, heto na ang hinihintay kong sign.
Akala ko kasi ay mag-asawa pa rin si Sierra at Bellarose. At hindi naman ako 'yong tipo ng tao na maninira ng relasyon ng iba para lang sa pansariling kaligayahan ko. Kaya laking tuwa kong pumasok ngayon sa trabaho. Mas lalo akong ginaganahan ngayon, knowing na makikita at makakasama ko si Sierra.
Habang nag-ma-martsa ako papasok sa base namin ay halos batiin ko lahat pabalik ang mga taong nakakasalubong ko na bumabati sa akin.
Eh wala eh, maganda ang mood ko ngayon. Ngayon pa? Ngayong nalaman ko na may chance pa para makuha ko pabalik si Sierra? Damn!
"Good morning, Lt. General Lacarte!" Saludo sa akin ni Lt. Major Morales, isa rin sa kasamahan ko na na-deploy sa Afghanistan at na-rank-up noong induction day naming mga Army.
I salute back at him then sat on my swivel chair here in my new office. Nilagay ko ang shoulder bag kong dala sa taas ng table ko at saka sinabihan si Morales na mag-at ease na.
"No thank you, Ma'am!" Matikas na sabi n'ya habang diretso lang ang tingin nito.
"Okay, anong pakay mo ngayon dito?"
"Permission to speak, Ma'am!"
"Speak," I waved my hand at him.
"May magaganap pong practice ngayon para sa mga soldier na i-de-deploy sa Israel. At kailangan po tayo roon para turuan sila."
Napaismid ako ng tawa sa loob-loob ko. "Tips on how to survive the battlefield?" Hindi ko mapigilang maging sarcastic.
Kita kong napaismid din ng tawa si Morales. He knows what it feels like to be on a battlefield. And it's not a very good place to be in. Pero para sa bayan, ginagawa namin.
Though, magkaiba nga lang ang akin. I've been sent there para lang mailayo at huwag maging sagabal kay Sierra at kay Bellarose. At ang tinuring ko pa naman na Ina at Ama ang gagawa sa akin 'non.
Up until now kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala na kinaya nilang i-sakripisyo ang buhay ko para lang maisalba ang kung ano man ang gusto nilang i-salba.
Kaya ayaw kong maging mayaman eh. Nag-iiba kasi talaga ang pananaw mo sa buhay at kayang-kaya mong gawin ang lahat ng bagay just to stay where you are.
Mabuti na lang kahit gano'n ang mga magulang ni Sierra ay hindi pa rin ito nahahawa sa kanila. Now, I know where she's coming from noong last night na nagkasama kami. Kaya pala gano'n na lang ang galit n'ya sa mga magulang n'ya ay may matinding dahilan naman pala and I'm too blinded not to see that.
But well, it's too late for me to regret everything now. Mabuti na nga lang at himalang umuwi pa akong buhay. Though, kamuntikan na akong umuwi na naka-casket. Kung hindi lang sa fellow soldier namin s***h my best friend in the Army, ay panigurado, pinaglalamayan na ako ngayon ng mga kaibigan ko, kapatid ko at ng buong Army.
Huminga ako nang malalim at pilit iwinaglit ang alaalang iyon sa isipan ko. Baka kasi atakihin ulit ako ng PTSD ko. Mahirap na.
Tumayo na ako sa aking swivel chair at saka sabay na kaming umalis ni Major Morales.
"Nandoon na ba si ka-Major mo?" bulong na tanong ko sa kaniya.
He glances at me. "Sino po? Si Lt. Major Gaston po ba?" Tanong n'ya sabay ngisi.
Oo na, he knows. Actually, alam lahat ng mga kasamahan kong na-deploy sa Afghanistan ang tungkol sa amin ni Sierra. Naging vocal na rin ako sa kung ano at sino talaga ako dahil isa lang naman din kaming pamilya sa Army. Tinanggap naman nila ako nang buong puso which is sobrang ikinapasalamat ko. 'Di gaya dati noong nagsisimula pa lang ako sa Army, kung saan bawal pa ang lesbian or gay. The world is really changing. Sana nga lang ay magtuloy-tuloy na.
Hindi ko na lang pinansin ang panunukso nitong si Morales bagkus ay inilingan ko na lang ito.
Ilang sandali lang din naman ay nakarating na kami sa training grounds naming mga Army. Naka-ready na lahat ng mga sundalo. Ang iba nga ay nag-pa-practice na ng one on one combat, firing and exercise.
Being in here brings a lot of memories noong ako pa ang nasa lugar nila ngayon.
God, halos hindi na ako makatayo the day after our training dahil sa sobrang sakit ng katawan ko gawa ng walang sawang training namin.
"Lt. Major and Lt. General! Mabuti po at nakadalaw kayo ngayon dito. It's our pleasure to have you both here." Kinamayan kami ng kakarating pa lang na nag-ta-train sa mga sundalong i-de-deploy sa Israel. Every deployment ay iba-iba ang nagiging training coach.
"The pleasure is ours. Handa na ba ang mga sundalo?" Tanong ko matapos ko siyang kamayan.
"Yes po. At saka po pala, kanina pa po kayo hinihintay ni Lt. Major Sierra Gaston."
Nanlaki ang mga mata ko. God! Gano'n na ba ako ka-late? Tiningnan ko naman ang army watch na suot ko. Napakunot noo ako nang makitang hindi naman pala ako late.
"Maaga ata s'ya? Nasaan nga pala s'ya? At saka bakit n'ya ako hinahanap?" Sunod-sunod na tanong ko. Hindi ko na tuloy naitago ang excitement ko.
"Para po sa training ngayon ng mga sundalo. Ang aga nga po n'ya, nakakahiya nga po, eh. Kaya pinapunta po namin muna s'ya sa barracks." Itinuro n'ya ang barracks nila sa hindi kalayuan.
Napalingon ako doon at ramdam na ramdam ko ang pagkabog ng puso ko.
Nagpaalam ako sa training coach at kay Morales na pupuntahan ko lang muna si Sierra. Baka kasi importante ang sasabihin n'ya, though hindi naman ako umaasa na namiss n'ya ako kasi alam ko naman na galit pa rin ito sa akin hanggang ngayon.
Tatanggapin ko naman nang buong puso ang kung ano mang sasabihin o gagawin n'ya once nalaman na n'ya na ang kung anong sasabihin ko sa kaniya. I'm ready to be hurt again. She's worth every pain. Handa rin akong ibuwis ang buhay ko para sa kaniya kung kinakailangan dahil gano'n ko s'ya kamahal at gano'n ko s'ya kagustong makuha pabalik. At heto na nga siguro ang pagkakataon ko para masabi sa kaniya ang gusto kong iparating sa kaniya.
Kaya naman mabilis akong pumasok sa may barracks at swerte ko dahil mag-isa lang s'ya ngayon dito. Pero 'yung kunot ng noo n'ya nang mapatingin ito sa akin ay ang nagpalunok sa akin nang madiin.
God, nakalimutan ko nga pa lang kumatok man lang o nag-abiso na papasok ako. Pumasok na lang kasi ako nang wala man lang paalam sa sobrang excitement kong makita at makausap s'ya.
"Don't you know how to knock? Lt. General ka pa naman." Mataray niyang sambit.
If only looks could kill. Damn. And I can't help checking her out. God! She's so sexy in that danish fatigue uniform!
"Sorry, hinahanap mo raw ako?" Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Baka kasi may biglang pumasok o tumawag sa amin.
Umirap ito sa akin at nag-ayos ng upo. "Yes, ang sabi sa akin ikaw daw ang magiging partner ko while we're helping your armed forces here."
Napataas ang gilid ng labi ko doon. Iba ang dating ng "partner" sa akin eh. Ang sarap pakinggan.
Sh*t! Another strike again for Lacarte.
Magkasalubong ang kilay nito. "Ba't ka ngumingiti diyan? Anong nakakatawa sa sinabi ko?" Maanghang na tanong n'ya. God, sobrang sungit. Meron ata itong red tide ngayon eh. Geez.
I fervently shook my head. "Wala, masaya lang ako. Because I get to be with you more often." Pag-aamin ko naman habang matikas na nakatayo sa harapan ng table n'ya.
She was taken aback. Napaawang pa nga ng kaunti ang bibig n'ya. "What did you just say?"
Napangiti ako. "Ang sabi ko po, I'm happy because I get to be with you more often because I just want to inform you now that I want you back."
Ang pagkakagulat nito ay hindi rin naman nagtagal. Bagkus ngumisi pa ito ng pang inis sa akin.
"Mukhang nakakalimutan mo atang may asawa na ako?"
I smirked inwardly. Oh baby, I already know the truth. But okay, I'll give you what you want.
Gaya nga ng sinabi ko, handa ako sa kung ano mang gagawin o sasabihin nito sa akin. Hindi naman kasi ako nakikipagkompitensya kay Miss Bellarose Martinelli, dahil wala naman dapat kaming pag-awayan.
I know mabait si Bellarose. At tapat din siyang magmahal. Alam ko rin na mahal pa rin n'ya si Mara hanggang ngayon.
"Hindi naman ako makikipagkompitensya sa asawa mo. Ang mahalaga ay nasabi ko sa 'yo ang gusto kong sabihin. Sierra, mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon at nagsisisi ako sa ginawa ko noon sa 'yo. So, please hayaan mo lang akong makabawi at gawin ang lahat ng paraan na alam ko para lang mapatunayan sa 'yo na hindi na ako mawawala pa at para ipakita at iparamdam sa 'yo kung gaano kita kamahal at kagustuhang makuha pabalik."
Napatahimik ito. She's just eyeing me intently while I can see the way she gripped the edge of the table.
I know galit s'ya. Galit na galit, I might add. Dahil halata naman sa paggalaw ng panga n'ya at mas halata sa halos magliyab na niyang mga mata. If puwede nga lang bumuga ng apoy ang mga mata, baka kanina pa ako natusta rito.
Kahit din punong-puno ako ng determinasyon, hindi ko mapigilang matakot sa inaasta n'ya. Halata kasing malaki na ang kaniyang ipinagbago.
Kalaunan, her angry reaction turns up into a sly smirk. She then stood up from her seat and stretch down her fatigue uniform.
"Oh really? You want me back?" She asked, dangerously hot.
"Yes," I said with a curt nod.
Nagkibit balikat naman ito. "And you will do anything just to get me back?"
Again, I nodded my head. "Yes, Ma'am."
Lumapit ito sa akin at hinarap ako. Iisang pulgada na lang ata ang pagitan namin sa isa't isa. Damn it..
Pinakatitigan ako nito sa mata. Her eyes is just neutral. Hindi gaya ng dati na punong-puno ito ng kakaibang mga emotion. Ngayon ay plain and simple na lang ang mga ito.
"Keep on dreamin'. Hinding-hindi na 'yon mangyayari." May panunuya sa boses nito. Pero ako, iba ang nakikita at nafefeel ko sa way ng pagtingin nito sa akin ngayon.
Hindi ko mapigilang malungkot habang tinititigan ang mga mata n'ya.
"I'm sorry," bulong ko. "I'm really sorry for turning you into this. I never meant to change you, Sierra. I'm sorry."
Nawala bigla ang ngisi nito pero ilang segundo lang nangyari 'yon dahil bumalik ulit sa pagka-neutral ang mga mata at mukha n'ya. She looks so calm and collected now.
"It's too late for your apology. And for the record, hindi ko kailangan ng sorry mo. I am who I am today because of me. And you can't change me for who I am now." She took a step back from me then crossed her arms across her chest. "You said you want me back, yeah? Then goodluck na lang, because you will need it."
Aalis na sana ito sa harapan ko nang may tumawag na sa amin para sa training ng mga sundalo, pero tinawag ko s'ya for one last time, tumigil naman s'ya but she didn't turn around to face me.
"Puwede ka ba bukas? Gusto ko sanang ligawan ulit kita if maari lang. Though, no pressure naman."
Hinarap ako nito at pagharap n'ya, may iniabot na ito sa aking isang calling card.
"My number is there, magsisimula na tayong magtrabaho bukas." She said instead then she exited the barracks.
Napangiti pa rin akong naiwang napatingin sa hawak kong calling card.
Well, kahit hindi s'ya literal na pumayag, feeling ko ito na ang sagot n'ya sa tanong ko kung puwede ko siyang ligawan.
Napakagat labi akong napatingin sa pinaglabasan nito.
"At least naman pala hindi ka pa pala ganoon nagbago, Sierra. You're still my fragile deity."
******