A Perfect Ending (Part 2) *** Queenie Hartman. 2 years later.. "Gago ka, Hartman! Last na 'to! Hindi ka na ulit makakaungot sa akin!" Umiiyak na sigaw ni Princess habang nakakapit sa kwelyo ng damit ko na halos punitin na nga n'ya. But I don't mind though because I know, mas masakit ang pinagdadaanan n'ya ngayon. "Oo na, last na talaga 'to," pampalubag loob ko naman sa kaniya but deep inside, that's not true. I still want one kid, at sana ay lalaki na ang panghuli. Ang second kasi namin ngayon ay babae rin. Though, wala naman problema 'yon, pero gusto ko lang kasi ng anak na lalaki. As we wheeled my wife into the Delivery room, one of the nurses stops me from going in. Naiwan naman akong napahawak na lang sa likod ng batok ko habang pilit sinisipat ang asawa ko