Make You Feel My Love. *** Tasha Fuentes. I know. Dahil duwag ka pa rin hanggang ngayon," maanghang na sabi n'ya. "Hanggang ngayon, hindi mo pa rin mapanindigan lahat ng binitawan mong salita." Napatawa na lang ako nang mahina. "Hindi ko naman maikakaila 'yon. Siguro mamahalin na lang kita hanggang sa maubos ako," I looked down where my hands are. Pinaglalaruan ko ang mga ito. "Hindi na kasi kita kayang saktan, at mas lalong hindi kakayanin ng konsensya kong may masira akong relasyon nang dahil lang sa pansarali kong kaligayahan." Ngumiti ako ng pilit sa kaniya nang ipatong n'ya ang kaniyang kamay sa ibabaw ng kamay ko. "I'll just make you feel my love, na hindi ko nagawa noon. Noong walang-wala pa akong maipagmamalaki, noong isang hamak na tagasunod lang ako sa