HINDI alam ni Drake kung paano harapin ang mga magulang ni Aleah. Dead on arrival sa ospital ang dalaga. Hindi niya mahagilap ang matino niyang pag-iisip habang hinahanap ang hustisya. Ang lalong nagpainit sa dugo niya ay ang pagtakas ni Arvin. Kinabukasan ay ini-uwi sa probinsiya ng mga ito ang bangkay ni Aleah. Sinagot niya lahat ng gastos. Sa ngayon ay uunahin niya ang paghihiganti. Naroon pa rin ang pag-asa niya na muling babalik si Aleah kahit mukhang imposible dahil isang araw na ang nakalipas bago namatay ang dalaga. Ikinumpara kasi niya ito sa kanyang pagkamatay na wala pang twenty-four hours ay muli siyang nabuhay. Nakombinsi niya ang parents ni Aleah na huwag ipabalsamo ang katawan ni Aleah. Mabuti at iyon din ang tradisyon na pinaniniwalaan ng angkan ni Aleah. Apat na araw