PABALIK ni Aleah sa unit kasama ang guwardya ng condo ay may ilaw na. Namataan niya si Tyler na nakahiga na sa sofa. “May ilaw naman pala, ma’am,” sabi ng guwardiya. “Pero nawalan ng ilaw kanina,” aniya. “Imposible po iyon. Naka-konekta po sa kuryente ang generator kaya kapag nawalan man ng kuryente, automatic na papasok ang generator at hindi halatang nawalan ng kuryente. Imposible ring may sira ang ilaw n’yo dahil bumalik naman,” paliwanag ng guwardiya. Hindi na siya nakipag-argumento. Alam naman talaga niya kung bakit namatay bigla ang ilaw. “Sige, ho. Pasensiya na sa abala,” sabi na lang niya. Umalis naman kaagad ang guwardiya. Nang tingnan niya si Tyler ay nakapikit na ito. Inalog niya ang balikat nito. Umungol ito pero hindi na nagising. Kumuha na lamang siya ng kumot at unan