Nasa harap ako ng dresser ko, at sinusuklay ang buhok ko nang mapatitig ako sa mga labi ko. Wala sa loob na marahan kong nahaplos ito habang nakatingin doon. Naalala ko na naman ang halik ni Adam sa akin. My first kiss... I almost give in to that kiss. Kung wala lang sigurong Gracie sa buhay niya baka nagpaubaya na ako nang tuluyan. Ganun pala ang mahalikan. Ganun pala ang pakiramdam. Lalo lang tuloy naging intense ang nararamdaman ko para kay Adam. But I know that from the start Adam is not mine. At hindi kailanman magiging akin. Pero bakit niya ako hinalikan??? Iniling-iling ko ang ulo ko para pilit alisin sa isip ko ang halik ni Adam. Ilang buwan na din naman ang nagdaan, pero hirap pa din akong kalimutan iyung eksenang ‘yon. Erase....erase.... Nag-apply ako ng lip gloss, at saka

