KIEL Makasarili ako. Makasarili ako dahil dahil matagal niya akong gusto pero ngayon ko lang siya ipinaglaban. Kung kailan may iba na. "Kiel, gusto kita..." Matagal ko nang alam na may gusto siya sa akin. Hindi ko alam kung kailan nag-umpisa pero sa pagitan ng pakikipagpalit ko ng upuan sa seatmate niya para makatabi siya, sa bawat texts, sa bawat chat, sa bawat pag-uusap namin... nahulog siya sa akin. Aaminin ko, wala akong intensyon na saluhin siya kaya umiwas ako. Iniwasan ko siya dahil hindi na ako komportable. Nailang ako sa mga tuksuhan ng barkada sa amin, nailang ako kasi alam kong hindi ko kayang suklian ang nararamdaman niya para sa akin. "Nanliligaw ka na pala kay Rich," text niya sa akin. "Sorry," maikling reply ko. Alam kong mas nasaktan ko siya sa panliligaw ko kay Ric